Life begins with LIGHTS, CAMERA, ACTION!

my confused emotions

Tuesday, December 9, 2008

I'm baaaaack!

I'm back to Multiply. LOL.

Tuesday, September 30, 2008

Social Awareness nga ba? LOL.

Ilang araw na akong walang maisip na isulat. Nahihiya na nga ako sa sarili ko lalo na sa inyo. (:
Grabe kung anu-ano na naman ang mga pinaglalalagay ko dito kaya ngayon, pangingitiin ko naman kayo. Haha! ((:
Nagkaroon kasi ng Social Awareness Week sa school namin. (:
Pinapanuod yung video ni Al Gore tungkol sa Global Warming… Nakalimutan ko yung title eh. Basta may truth yun. Hahaha! Kayo na lang mag-isip kung ano. Hehehe..
After the film viewing, nanghingi ang mga teachers ng reaction mula sa mga students at pinapost sa pavilion ng school naming at eto ang ilan sa kanila..

[Note: Katuwaan lang 'to ah. Walang personalan. HAHAHA! XD]


Image and video hosting by TinyPic



“Magsorry tayo kay Papa Jesus..”
- Tama… tama… Amen. (:


Image and video hosting by TinyPic


“Grabe talaga.Buti na lang may mga tao na tumutulong sa atin na maintindi nangyayari sa mundo natin about Global Warming. Sana makatulong ako sa pagpapalala nito.”
- Uy, wag naman! HAHAHA! Pnprevent na nga ng mga tao angh Global Warming tapos tutulong ka pa sa pagpapapalala.. HAHA!

Image and video hosting by TinyPic



“My Global Watming Prayer……”
- Isa pa tong banal. Hehehehe.




Image and video hosting by TinyPic



“Global warming is not cool, it’s hot.”
- Di ko alam kung nagpapatawa siya o he really wants to make sense. Hahaha!

Image and video hosting by TinyPic



“Smoking is Addicted”
- Kamon, ano ang kinalaman ng sigarilyo sa topic? Hahaha! Ikaw ah.. Addicted ka. Hahaha!

Wala pa sa kalahati yan, nabura ko kasi sa phone ko eh. Hahaha!

Friday, September 26, 2008

I'm Baaaaaack!

I've been very busy lately. I honestly don't even have time for CLASS. I've been spending looooong hours editing and thinking of our new ish. Thank God, we are now in our two last pages. Gawd. It really is TIRING but worth it. :))

I'm now back to blogging. I hope, I really hope that my readers will be back too. HAHAHA! XD

Thursday, August 7, 2008

Be the CHANGE



Dahil naka-Photoshop ito at nawawala ang PSD file, di ko na nabago yung grammatical error. HAHAHA! "Of course, it is"?! HAHAHA! LMAO.


Image and video hosting by TinyPic

Thursday, July 24, 2008

Recollections of my RECOLLECTION

Image and video hosting by TinyPic


Dahil sa Catholic School ako nag-aaral, hindi na iba sa akin ang Recollection. Elementary pa nga lang ata ako, nagrerecollection na kami. Paulit-ulit na pag-eexplain kung ano ba talaga ang ibig sabihin na para bang hindi namin alam kung ano nga ba ito. Wala namang pinagbabago taon-taon. Ang salitang recollection daw ay pagbabalik-tanaw. Kadalasan, sinisyllabicate pa ng speaker ang salitang recollection para DAW mas maintindihan namin.
Pero hindi naman dahil sa meaning ng Recollection kaya naeexcite ang mga estudyangteng umatend nito. Siyempre… kasama na diyan ang LIBOT, EXTRANG BAON (Kahit na may packed lunch ka na dahil bawal kang lumabas kahit na lunch.), at BONDING MOMENTS. Naalala ko nung Grade 6 ako, muntik na akong malate sa Recollection naming dahil hindi ako nakatulog buong gabi sa sobra kong excitement! Ganyan ako taon-taon, hindi makatulog isang gabi bago maganap ang kapanapanabik na araw.
Lahat ng Recollection na naattendan ko, marami akong natutunan, maraming naranasan at marami ding gustong kalimutan. Magkaiba pala ang mabait at mabuting tao. Ang mabait daw, nagpapakopya sa exam at ang mabuti naman tutulungan kang magreview at tuturuan kang magsagot mag-isa. Buti na lang mababait lahat ng kaibigan ko. Naranasan ko na ding kiligin dahil sa Ama Namin. Aba! Mahahawakan ko na ang kamay ng crush ko! Hindi ko alam, napansin pala ng lahat ang pamumula ko kaya ayun… buking! Marami pang ibang nangyari pero ang hindi ko makakalimutan ay ang Recollection ko nung Third Year High School! Bakit kamo? Aba, out-of-town ata kami! Sa Baguio… Nasa bus pa lang ako, naamoy ko na ang mga pine tree at nalalasahan na ang mga strawberries. Hindi lang dahil dun kaya di ko malimut-limutan ang trip na’yun. Unang beses ko din kasi umiyak sa kantang… “Keep smiling, keep shining knowing you will always cunt on me… for sure, that’s what friends are for.” Hanggang ngayon nga naiiyak pa din ako. Pero ang pinakamatindi? Nakatanggap ako ng mga sulat galling sa mga classmate ko na hanggang ngayon, tinatago ko pa din. Pinagawa kasi kami ng Friends Forever, I love You, I like You, Thank You, Take Care, God Bless, I’m Sorry at Can we be friends notes na ibibigay naming sa mga kaibigan naming at eto ang mga natanggap ko…

FRIENDS FOREVER

Friends Forever – ANJ [Siya din ang binigyan ko ng Friends Forever. Hanggang ngayon friends pa din kami! (:]

I’M SORRY

Biena, ikaw ang napili ko kasi I know madaming beses na kitang nasaktan kahit minsan sabihin man nating sa paraang pabiro. I know it hurts a lot. So sorry! – MON [Sadyang enemies lang talaga kami. Hahaha! Hanggang ngayon, kapag nagkikita kami sa Mall, nagmumurahan kami pero biro lang yun! Classmates pa nga ang mga kapatid naming ngayon sa Kinder.]

Biena, sorry kung minsan niloloko kita. – MARIO [Dati, minsan lang.. nung nagtagal dumalas na! Hahaha!]
I’m sorry because… madalas kitang gaguhin at pagtawanan pero lagi ka pa ring nariyan para sa akin. Sorry sa mga kasalanan ko. – KAREN [Naku, innate quality na niya talaga yun but she really is a friend]
Biena kasi alam ko na lagi kong nauhurt ung feeling mo pag inaasar kita. I am really sorry – RAIZA [Inaasar ko din naman tong si Rigel eh.]

I am sorry kasi nga dib a kung minsan di ko napapansin na masyado nap ala akong manglait sa’yo. I’m sorry. – ICEL [Hindi naman talaga ako nilalait ni Icel eh. Alam kong biro lang yun.]

I am sorry! Kasi pag pinagkakaisahan ka ng buong klase ay nakikisali na rin ako at inaamin ko nay nasasabi akong di maganda sa iyo. Sorry talaga. I’m sorry and please forgive me. – REJZ [Oo, minsan pinagkakaisahan ako. Hahaha! Pero ayos lang, sanay naman na ako.]

Biena, sorry 4 everything lalo na nung practice. Remember? Sana u’ll 4give me. Thnx. Sana ur answer is “Ur 4given” he3 – MADO [Madalas kasing ako ang choreographer ng mga sayaw kaya lagi na lang nagiinit ang ulo ko kapag ayaw nilang sumunod.]

Sorry, as in sorry talaga… sa lahat ng nagawa ko. Sana nga mapatawad mo ako pero kilala naman kita eh. Tsaka ngayon ko lang nalaman na marami ka na palang naitulong sa akin. – CHRIS [Siya ang binigyan ko ng “I like you”. Haha! Sabi niya crush ko daw siya. Hahaha!]

Pinili kita kasi sobrang dami na ng kasalanan ko sa’yo and yet nandyan ka pa rin para tulungan ako in my problems! Lufet! – MEL [Classmate ko na ata ‘tong si Romeo since forever. Haha. Kaya kahit binibiro ako ng madalas, ayos lang.]

GOD BLESS – [Letter para sa mga dapat tumino]

God bless bec I want you to know what’s right from wrong. – CRISTA [Haha. Halatang topakin ako.]

God bless kc alam ko naman na wala kang pigil sa pagsasabi ng kung anu-ano kaya God bless. Saka, basta nanakit ka eh (nangungurot) GOD BLESS – JUVY [Sa totoo lang, di ko alam na nangungurot pala ako. HAHAHA!]

Hnd nmn kc siraulo ka.. kc gusto ko ibless ka ni Gpd at tulungan ka sa lahat ng mga nangagago sa u. kaya mo yan! Alam ko matapang ka at db sb mo ul nvr cry! Kc pampahina lng un… ♥ - NADJ [Hindi ko na maalala kung sinabi ko nga ba talaga yun pero siguro naman sinabi ko nga. Haha!]

Biena, kasi alam ko na maraming may ayaw sa’yo, sa ugali mo pero kahit ganun, kahit minsan di kita maintindihan. Susuportahan pa rin kita. Gusto kita kasing maging kaclose. – BEA [Hindi ko alam kung talagang maraming may ayaw sa ugali ko o sadyang hindi lang sanay si Bea na niloloko ako ng mga classmate naming lalo na yung mga lalaki. Pero mind opening talaga ‘to kasi natuto ako mag-ingat sa mga taong pagkakatiwalaan ko.]

God bless because dapat pa bang ipaliwanag? Alam mo naman na para tayong experts sa kagaguhan kapag magkasama tayo. Sana patnubayan ka ni God na magawa mo ang mga pangarap at wishes mo. – KAREN [I’m starting to fulfill my dreams thru our publication at kasama ko pa din si Karen. Hahaha!]

Sorry kasi dib a lam mo naman minsan iniinis din kita. Sorry talaga. – DJEDDA [Dje is one of the sweetest girls in our batch. Siguro kasi baby namin siya. We are two years older than her.]

CAN WE BE FRIENDS?

Can we be friends? Alam naman nating na talagang friends tayo… ang ibig kong sabihin e un bang… basta can we be friends un naka2pag-open ka ng sama ng loob mo sa akin? – CHING [We may not be that close now pero back then, naging close talaga kami.]

TAKE CARE

Even if we’re not that close now, I juz want you to know that I care for you and I’m happy to have a cute friend like you! – IVY [In fairness, tama yung sinabi niya. CUTE AKO! Hahaha!]

THANK YOU

Biena, Thank you kasi dib a nung 1st time kong pumasok sa 1st section itinuring mo na kong friend. Tsaka palagi mo rin naman akong tinutulungan. – LYKA [Seatmates kami kasi magkasunod kami sa Alphabetical.]

Thank you super very many! Lalo na dun sa report ko sa English Club! Ur so mabait, generous, helpful and napaka-PG mo! Mwah! –POLLY [Hindi ko inaasahan ‘to. She thanked me a million times already for that favor.]

Thank you Biena na kahit nilalait kita nandiyan ka pa rin pag may kailangan ako. Hehe Thanks for all the things you’ve done. – ICEL [Talagang pinagdiinan na naman na nilalait niya ako. Hahaha!]
Thank you sa lahat ng naitulong mo sa akin and for being a friend – FREDERICK [Hanggang ngayon kabisado ko pa din ang laman nung sulat na yan. Hahaha! Bakit? Eh..]

I LIKE YOU

Binigay ko sa’yo ito kasi alam ko kahit may mga hindi magandang nangyayari sa’yo nakatayo ka pa rin. Nagiging mas strong ka. – JILL

I like you kasi matulungin tsaka marami kang magandang ugal na di nila kaibigan – ATENDIDO [Hindi po ‘yan typo. Yan ang mismong nakasulat sa papel. Hanggang ngayon di ko mafigure out kung ano ang ibig sabihin niyan. Hahaha!]

Wala akong natanggap na I love you. Naisip ko nun, baka walang nagmamahal sa akin. Hahaha! Pero napagalaman ko na yung iba ko pa lang classmates, imbes na I love you, dinoble nila ang Friends Forever.. Kaya siguro ganun. Hahaha
Nagulat din ako na binigyan ako ng mga AKUKERS, well hindi lahat pero majority, Oo. Kasi usapan namin na din na kami magbibigay sa isa’t-isa dahi alam na namin yun.
Habang binabasa ko lahat ng ito, napaluha ako… Sana ganito na lang ulit. Sana wala ng nagbago. Marami na kasing naganap after College. Madami ng nag-iba..
Lastly, hindi ko pinost to para ipakita kung gaano ako kabait nung High School, sadyang pasensyoso lang ako at sanay na sa mga pang-aalilipusta, panlilibak at pamimwisit kaya natatagalan ko sila. Gusto ko lang ipakita yung tunay na ako. Kung sino talaga ako noon.





Sunday, July 20, 2008

Missing the good old times. (:

May ipopost sana ako kaya lang nabura ko eh. HUHUHU! Pero sana bukas maipost ko na. Sana may back-up ako. Hahaha! XD Right now, eto muna..



Class picture namin nung Second Year High School.. inedit ko para magmukha namang bago. Hahaha!

Image and video hosting by TinyPic

Namimiss ko na magblog.. Sana magkatime na ulit ako..

Labels: ,

Thursday, June 26, 2008

Wishes and Frustrations.

*Another Random post
----

Kamusta naman sa titulo di ba? Sosyalin. Hahahaha! Parang matinong post. HAHAHA! Actually, may connect naman talaga yan sa ilalagay ko eh. Eto kasi..

Matagal ko ng wish na magkaroon ng Favicon [Ang babaw no? HAHAHA!].
Ayun nga.. Ngayon meron na di ba? HAHAHA! Eto yung bigger version..


Image and video hosting by TinyPic


Oh.. sa Frustration naman..
Naghahanap na kami ng bagong members ng School Publication. Naffrustrate ako kasi we really need new members dahil madami grumaduate. ):

Image and video hosting by TinyPic

Black and white kasi ipapaxerox namin yan eh. HAHAHA!

**Pasensya na. Wala kasi ako gaano maikwento ngayon. Haha!