Life begins with LIGHTS, CAMERA, ACTION!

my confused emotions

Sunday, June 22, 2008

AKUKERS. XD


*Random Post


----

Image and video hosting by TinyPic

^^Ang babata pa natin dito.. 4 years ago 'to di ba?

Hindi ko din alam kung bakit bigla akong nagpost ng ganito. Siguro namiss ko lang talaga kayong lahat. Ibang iba na ang mga mundong ginagalawan natin ngayon. Ano na ba ang nangyari sa'tin after High School Graduation?

Tatlong taon na din halos ang nakakaraan..

Ako? Naiwan pa din ako dito sa school natin. Walang pagbabago..

Si Lyane, nakita ko, may bagong boylet na kasama.. Moving On?
Pero minsan ko ng nakita na kasama si Jeff na naglilibot sa Pacific. Haha.

Si Mado, bumabalik sa pagiging Reyna ng Quotes.
Pero hindi naman nagrereply. HMP.

Si Edmond, ABA! Nagpakalbo. Mantakin mo yun! Hahaha. Eto pa, magkaklase yun kapatid namin sa Kinder!
Pero ganun pa din, nagmumurahan pa din kami. Hahaha!

Si Jeffrey, sosyalin na ngayon.. Pa-Canada-Canada na lang..
Pero hindi na nagpaparamdam. ):

Si Raiza, kakabirthday lang.. ayieee.
Pero naglilihim pa rin ng crush. Hahaha!

Si Raye, hindi talaga nawawalang ng boylet!
Pero di kami magawang itext. Hahaha!

Si Pollie, tumitingin na ng expiration date ng mga groceries ngayon! Hahaha!
Pero matakaw pa din. Hahaha.

Si Jill, Malapit na mag-capping!
Pero MARTE pa din. Walang pagbabago.

Si Patty, sosyalin na din ngayon, naka-havaianas palagi.. Oh dava?
Pero tawa pa din ng tawa. Haha.

Si Dada? Wala lang naman.. nagmamake-up lang naman siya ngayon..
Pero hindi pa din nagssleeveless. Hahaha.

----

Sabi ni Mommy, You'll find you're true friends in High School, tama siya, kasi nakita ko kayo..
Nakakalungkot lang ni hindi na tayo halos nag-uusap usap kahit sa text. Minsan sa isang taon lang tayo magkita-kita..

We've changed. Pero sana.. sa susunod nating pagkikita, tayo pa din yung AKUKE, yung buong barkada noong HS pa tayo..

P.S.

Tutuparin pa natin yung pangako natin na pati mga anak natin magkakaibigan! XD

Pollie, yung anak mo, sa akin mo ipapangalan di ba?

Jeffrey, magpakita ka naman kasi sa amin! (:

HANGGANG SA MULING PAGKIKITA! (:
Miss na miss ko na kayo! XD

2 Comments:

Blogger jamie said...

ate biens1 nag cute mo! haha.. :] batang bata pa ang face! cutie! haha

June 22, 2008 at 9:19 AM  
Blogger Liza C Abad said...

nice cute work. :)

June 22, 2008 at 1:23 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home