Read this Jeffrey Ray Cape! :)
"I'm fair both..."
Oh. I'll never forget that line from you Jeff. Haha! XD. Haha, simula ng sabihin mo yan.. yan na ang laging tukso ni Mon-Mon sa'yo. Hahaha. Natatawa talaga ako naalala ko pa lang.. pero naluluha din ako, I'm starting to miss all of you. Lalo na ikaw... We've been through many things. Bata pa lang tayo magkasama na tayo. It all started nung may nakita akong maliit na bata na nakaupo sa teacher's table, nakapatong ang paa at nag-uutos sa mga classmate. Haha. Not everyone knows that na ikaw yung President ng First Section nung Grade 2 tayo. Hindi niyo pa ako classmate nun. Haha. That's why when I entered your section the next year, I honestly sought for you. Hahaha. "Nasaan na ba yung mayabang na 'yun?" I said to myself.. Then I saw you, I was really reluctant to go near you, you were one of the teacher's faves. Naalala ko pa, nagtanong si Ma'am Limos nun sa atin, ano daw ang kailangan ng class natin and you said. "COOPERATION" [gosh. I have such a sharp memory!] Sabi ko, "Grabe, ang talino naman nun." I actually don't know what cooperation means. Hahaha! Hay naku, ang bobo ko no? Umabot ng Grade 3 na di alam ang cooperation. Haha. Moving on, I never thought we'll be friends. Pero hindi ka naman pala mahirap abutin. Hahaha. Ikaw pa nga ang unang lumapit sa'kin eh. Nagpatali ka ng sintas ng sapatos. Jeffrey! Grade 3 na tayo nun! Hahaha. I know you'll be mad at me pag nabasa mo yan.. gumaganti lang ako. Remember how you made a fool out of me nung naging seatmates tayo? Gawwwd. I know people who'll read this will surely laugh. Haha. I'm such an imbecile. Haha. You told me that we should composed a song, and I was very amazed when you composed a song infront of me, right there and then. Jusme. ANGEL OF MINE lang pala yun. Haha. But do you remember the song na kinompose talaga nating dalawa? Yung "Let the music keep you close to me blah blah blah" Hahaha. Nakalimutan ko na yun.
Hahaha. pero sa totoo lang, natouch ako nung tinanggap niyo ako ni Kristine as bestfriend niyo.. Huhu. Iyak na naman ako. Hahaha. Grabe, we really have such a history pero wala pa sa kalahati yan di ba? Hahaha. Naalala mo pa ba nung HS tayo? Umiyak ako nung nawala ako sa Honors dahil sa'yo? Haha. Baka kasi di ka maging first honor kapag hindi ako pumasok sa honor roll at naging commendable lang ako. Hahaha. Ang corny natin nun. Hahaha! Ay oo nga pala, 2 na yung letter na naibigay ko sa'yo no. Una yung four-pages na stationery at yung yellow pad. Haha. Puro kadramahan. Jusme.
Naalala ko pa nung second year, ikaw ang dakilang taga-gawa ng reviewer namin. Hahaha tapos ipapaxerox natin.. magchecheck tayo. HAHAHA! Namimiss ko na yun Epyo. Hahaha!
Bigla kong nakita yung CD na binigay mo sa akin nung third year tayo.. ANOOO?! Sexy, naughty, bitchy ang kanta mo para sa akin? Hahaha. Nakatago pa yun.. pati yung letter mo. XD Namiss ko tuloy nung mga times na nagbabake tayo. jusmio.. nakavideo pa yung pagbake ng cookies.. namimiss ko na din yung mga panahon na pumupunta ako sa bahay niyo para makikain.. este magpractice pala. Hahaha! X))
Hindi ko talaga makakalimutan lahat lahat ng pinagsamahan natin. kulang pa lahat ng naikwento ko na yan..
Pero may susunod ka pa namang birthday diba? Doon na lang ulit. Haha!
HAPPY BIRTHDAY JEFFREY RAY ESPINOSA CAPE! <3
PS:
Salamat nga pala at pinakita mo sa amin yung tinatago tago mong kwarto.
Sana, sa susunod na punta ko ng Ateneo, magkita na talaga tayo.
Pahiram ako ng VCD ng Ten things I hate about you.. alam kong madami kang kopya niyan. Hahaha! XD [Ay, nawala na nga pala yung iba..]
Pasensya ka na pinost ko pa 'to.. namiss ko lang kasi yung sulat mo.. Hahaha! XD
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home