Ayoko na mag-HEELS!
Noong bago pa lang magpasukan, sobran excited ko na magsuot ng uniform. Bumili pa ako ng dalawang bagong sapatos dahil alam ko naman na mauupod ko kaagad kapag isa lang dahil napaka gala kong tao..
Oh di ba napakaadik ng dating ko at pinicture-an ko pa pagkatapos kong bilin. Ang cute kasi eh.. Pareho kong type yung sapatos.. Naisip ko baka sumakit na naman yung paa ko, pero bakit ko nga ba aalalahanin yun.. Ako pa? Lahat naman tinitiis ko.. FOR THE SAKE OF FASHION.
PERO...
Ilang araw ko pa lang ata ginagamit yung dalawa na yan, sumusuko na ako. ANG SAKIT! Puro paltos na ang paa ko. Sabi nila, sa umpisa lang daw yun.. Hanggang kelan ang umpisa, ABER?
Wala pa din naman akong magagawa kundi magtiis dahil kahit anong sapatos na may heels naman ang bilin ko, sasakit at sasakit pa din ang paa ko. Kung pwede lang talaga akong mag-flat pero required naman kasi sa College ang at least 2 inches kundi, GOODLUCK na lang sa guards. Hahaha. Hay.. natatawa na lang ako sa sarili ko at sinulat ko pa ang mga bagay na 'to.. at Tagalog pa ah.. Siguro minsan, kailangan din ng isang tao ng pahinga.. pahinga sa mga normal niyang ginagawa. Dahil baka sa paraang yun mas maihayag niya ng mabuti ang mga saloobin niya.. tulad nito. Hindi ko naman kakayaning isulat ito gaya ng pagsulat ko sa mga ibang entries ko. Jusmio! Best in Nosebleed ang drama ko nun. Hahaha! Kaya kung sa buhay niyo may mga bagay sa buhay niyo parang paulit ulit na lang.. mga bagay na nakasanayan niyo na.. bakit hindi niyo muna itigil sandali at sumubok naman kayo ng iba. Malay niyo, yung mga bagay na susubukan niyo pa lang pala ang talagang para sa inyo. Huwag niyong hayaang maikahon niyo ang sarili niyo sa mga bagay na ginagawa niyo na lang parati. EXPLORE and try something NEW.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home